ni Bill Briggs
Sa kasalukuyang bahagi ng buhay ko, palagi kong tinitingin ang aking
nakalipas
na panahon ng pagkabata. Ang mga anak ng partner ko, sina Nik at Kaimo
ay nagiging
mahalagang bahagi ng buhay ko ngayon. Bago pa lang dumating sila sa
Pilipinas. Ang
mga nakatutuwa nilang mga kaugalian at batang kilos ay nagpapaalala
sa akin ng aking
kabataan. Nais kong maranasan at matikman nila ang tulad ng mga tinanggap
ko noong
ako ay lumalaking gaya nila.
Lumaki ako sa Maine. Noong ako ay nasa gulang na tulad ni Nik at
ni Kaimo,
tumira ang pamilya ko sa gilid ng isang kapitbahayan na nasa bundok
sa tabi ng dagat.
Sa lugar na iyon, nadama ko ang paglago ng aking malakas na paggalang
sa kalikasan.
Kasama ng apat na kapatid ko, natutunan naming pahalagahan ang manirahan
sa
masaganang lupa malapit sa dagat. Lumago ang pagmamahal naming sa
kalikasan.
Natutunan naming ang aral na umaasa kami dito upang mabuhay.
Noong binata ako, lumipat kami sa kalapitang lunsod. Ang mga aral
ko sa lunsod
ay kasing halaga din ng aral sa labas nito. Una kong natutunan ay
ng pagunawa sa
mahalagang pagkakaiba-iba ng mga tao. Ang paglaki ko sa lunsod at
ang pagunawa sa
uri ng pamumuhay dito ay lalo kong mabilis na naunawaan sa larangan
ng musika. Tulad
ng mga gamit naming mga instrumento sa musika. Ang mga kasama ko sa
pagaaral at
pagtugtog ay iba't ibang gulang at mula sa maraming lugar. Bawat isa
sa amin ay may
dalang sariling galing sa pagtugtog ng musika. Tanging pagmamahal
naming sa musika
ang nagsasabing lisa kami. Nahilig akong tumugtog ng bass. Tumugtog
ako ng mga
klasiko, jazz, at rock na uri ng musika. Naranasan kong bigyang saya
ang iba't ibang
gulang at hilig na tugtog ng mga manonood.
Ipinaaalala nina Nik at Kaimo sa akin ang aking nakaraan. Maging
sa pagtulong
ko sa paggawa ng mga gawaing bahay nila, pagkain, at paglalaro. Sa
darating na
tagaraw, nais kong makita nila ang lugar kung saan tulad nila ngayon,
malikot, at puno ng
mga nakatutuwang kalikutan. Nais ko nakita nila ang Maine na ako ay
tulad nila.
Mga Bugtong