| Ang May-akda |
Isang Talambuhay | ||
![]() |
ISINILANG si Rofel G. Brion sa Lunsod ng San Pablo noong 1953. Bunsong anak siya nina Felicisimo C. Brion ng San Pablo at Rosario P. Gregorio ng Polo, Bulacan. Nagtapos si Rofel ng A.B. sa Ekonomika at M.A. sa Panitikan (Pilipino) sa Pamantasang Ateneo de Manila. Sandali siyang nagtrabaho sa Pamahalaan ng Lunsod ng San Pablo at sa Bank of the Philippine Islands, tumao sa bigasan ng kanyang mga magulang, at nagturo sa St. Joseph's College. Nagwagi siya ng Unang Gantimpala sa unang Gawad Galian sa Tula (1981) at Ikatlong Gantimpala sa U.P. Summer Writers' Workshop (1984). Tumanggap siya ng British Council Grant para sa University of London Summer School noong 1986 at ng International Retreat for Writers Fellowship sa Scotland nitong 1989. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Kagawaran ng Filipino at sa Programa ng Araling Interdisiplinaryo ng Pamantasang Ateneo de Manila at sa Loyola House of Studies. Nag-aaral din siya sa Departamento ng Filipino at Panitikang Pilipino ng Pamantasan ng Pilipinas. Sinulat ang mga tula sa tomong ito mula 1975 hanggang 1985. Used with permission Copyright © 1989 Rofel G. Brion |
||
![]() |
|||